Patakaran sa Privacy ng Respondent - GDPR

 

Sino kami?

Kami ang Northstar Research Partners (UK) Ltd (T/A Harris X).  Kami ay isang kumpanyang nakarehistro saEngland, at ang aming opisina ay nasa 3rd Floor, 110 SouthwarkStreet, London, SE1 0SU, United Kingdom. Sasabihin namin sa iyo sa ibaba kungpaano mo kami makokontak.

 

Bakit namin kinukuha ang iyong data?

Ang patakaran sa privacy na ito ay nagpapaliwanag kung anoang ginagawa ng Northstar Research Partners (UK) (T/A Harris X) sa iyongpersonal na impormasyon at data. Pinahahalagahan namin ang tiwala mo, kayanagsikap kaming ilaan ang patakarang ito sa maliwanag at simpleng pananalita.

Kinukuha namin ang iyong data kung ibibigay mo angpahintulot mong sumali sa isa sa aming mga proyekto para sa marketresearch.   Pakibasa ang patakarang itopara masigurong katanggap-tanggap ito para sa iyo at sumasang-ayon karito.  Ang legal na batayan sa pagprosesonamin sa iyong data ayon sa iyong "pahintulot"; ang pagsali saproyekto ay lubusang boluntaryo, pero, kung magpapatuloy kang sumali, para saamin, nangangahulugan ito na sumasang-ayon ka sa mga tuntunin ngpatakaran.  Kung hindi ka masaya o sang-ayonsa isinasaad ng patakaran, hindi ka makakasali sa proyekto - o kung sa anumangpagkakataon ay gugustuhin mong bawiin ang pahintulot mo na iproseso namin angiyong personal data, at kung ito ang gusto mong mangyari, pakigamit ang mgadetalye ng pagkontak sa ibaba.

 

Bakit namin ginagawa ang mga online na proyekto at saannamin nakuha ang iyong mga detalye?

Nagsasagawa kami ng mga research project para sa aming mgakliyente. Kinukuha namin ang mga detalye ng pagkontak sa iyo -

-           Kapagmayroon ka nang kaugnayan sa aming kliyente, halimbawa bilang empleyado nila oisang customer, at kung gayon ay ibinigay nila sa amin ang mga detalye mo

-           O kapagnakuha namin ang iyong mga detalye mula sa isang third party, tulad ng isangkumpanya ng market research, o mula sa isinagawang recruitment ng isang marketresearch agency.

 

Anong personal data ang kinukuha namin kaugnay ng amingmga proyekto?

Kinukuha lang namin ang personal data mo kapag sinu-surveyka namin at naghahanap ng kinakailangan at kaugnay na data para sa proyektongiyon.  Kadalasan ay maaari mong laktawanang mga tanong kung nais mo, maliban na lang kung kailangan talaga itongsagutan upang maipagpatuloy namin ang survey.

Kung kukuha kami ng sensitibong impormasyon tulad ngkasarian, bansa o lugar na pinagmulan/etnisidad, seksuwal na oryentasyon,ginagawa lang namin ito para ilagay sa iba't ibang kategorya ang data at hindinamin layuning alamin ang personal na pagkakakilanlan mo.

Maaari rin naming kunin ang sumusunod na usage data kapagmay interaksyon ka sa aming proyekto, para pagbutihin ang aming mga serbisyo

•          Mga log filetulad ng iyong IP adress

•          System OS atimpormasyon tungkol sa device (anong brand at model ng device)

•          Mga browserversion

•          Mga timezone

•          UniformResource Locators (URLs)

•          Mga pageresponse time at laki ng response

•          Mgaproblema/error sa pag-download

•          Haba ng orasna ginugol sa pagbisita sa ilang partikular na page

•          Mga ginamitna application

•          Haba ng orasna ginugol sa mga application

•          Mganaka-install na app

•          Lokasyon

•          Wika

•          Impormasyontungkol sa interaksyon sa page

•          User agent

•          In-app videocontant (hal. YouTube, Netflix) kung naka-configure ito

•          AdvertiserID/IDFA

•          ReferringURL

•          IP address

•          Oras kungkailan sinubukang gawin ang pagkilos

•          Ilang besessinubukan

•          Pahintulotsa EU Cookie notice

•          Session Keypara sa authentication

•          Timeoutkapag nag-expire na ang authenticated session

•          Code ng Wika

 

Saan namin ginagamit ang iyong personal data?

Maaaring gamitin namin ang iyong personal data para sasumusunod:

•          Para sa mga layunin ng marketresearch, tulad ng pagtingin sa mga resulta at paggawa ng mga report para sa amingmga kliyente.

•          Paratulungan ka kapag sumasali ka sa aming mga survey.

•          Parapamahalaan at i-develop ang mga serbisyong inilalaan namin.

•          Upangtingnan kung nasusunod ang aming mga tuntunin at ipatupad ang mga ito kungkinakailangan.

 

Paano namin ibinabahagi ang iyong personal data sa taongnagkomisyon sa survey?

Malibang sinabi namin ito sa pasimula ng survey at hiningiang pahintulot mo - ang report na ibinabahagi namin ay nasa pinagsama-sama,anonymous na anyo - ibig sabihin, hindi malalaman ang personal napagkakakilanlan mo.

Kung ang research ay may kasamang pag-video / pagkuha nglarawan, o gusto naming ibahagi ang personal data mo sa kliyente namin sa ibapang paraan na hindi isinaad sa patakarang ito, palagi namin itongipinapaliwanag at hihingin ang pahintulot mo sa simula ng survey.

 

Ibinabahagi ba namin ang personal data mo sa iba pang mgatao?

Ibinabahagi lang namin ang iyong personal data sa iba pangthird party kung sinusuportahan nila kami sa aming mga serbisyo sa marketresearch.  Makikipagkontrata kami sathird party, at sisiguraduhing protektado ka laban sa hindi awtorisadongpaggamit at pagpapakita nito sa iba at maaari lang gamitin ng third party angpersonal data sa paraang itinakda namin kung paano nila ito maaaringgamitin.  Ang ilan sa mga serbisyong itoay magkakaroon din ng mga impormasyon tungkol sa Privacy na kailangan mongsang-ayunan bago sumali sa research.

Maaaring may pagkakataon kung saan kailangan naming ibahagiang iyong personal data sa iba nang walang pahintulot mo - ngunit mangyayarilang ito kung hihilingin ito ng batas o kung saan pinahihintulutan kami ngbatas na gawin ito kahit wala ang patiunang pahintulot mo.

 

Gaano katagal mananatili sa amin ang iyong personal data?

Mananatili sa amin ang iyong personal data hanggang sa 2taon pagkatapos makumpleto ang survey.  Pagkatapos nito, idi-delete namin ito at wala nang magiging anumangkopya nito.  Mayroon kang"karapatang makalimutan (right to be forgotten)" - pakitingnan kungpaano ito gawin sa ibaba.

 

Gaano kataas ang seguridad para sa iyong personal data?

Kami ay miyembro ng Market Research Society (UK), atnakatuon kami sa pagpapanatili ng privacy at seguridad ng iyong personal naimpormasyon at sumusunod kami sa mga standard ng industriya kaugnay ng privacyat seguridad, pagsasagawa ng wasto at kinakailangang teknikal at organisasyonalna pagkilos. Maaari mong makita ang aming Patakaran sa Proteksyon ng PersonalData kung hihilingin mo ito.

 

Saan namin pinoproseso ang iyong personal data?

Para sa Northstar UK (T/A Harris X), ipoproseso atmananatili sa amin ang iyong personal data sa loob ng EEA - European EconomicArea, maliban na lang kung gumagamit kami ng mga third party para suportahankami.  Lahat ng ito ay may mga kaugnay atangkop na kaayusan sa amin upang masigurong ginagamit namin ang iyong data ayonsa dapat naming gawin.

 

Ano ang mga karapatanmo kung tungkol sa iyong personal data?

Anumang oras ay maaari mong bawiin ang iyong pahintulot sapagproseso namin ng iyong personal data. Upang magawa ito, kailangan mong gamitin ang mga detalye ng pagkontak saibaba.  Kapag nabawi mo na ang pahintulotmo, hindi na namin ipoproseso ang iyong personal data, idi-delete namin ito athindi mag-iiwan ng anumang kopya. Kung dati ka nang nagbigay sa amin ngpahintulot para ipakita ang data mo sa isang third party (na hindi sapinagsama-sama, anonymous na anyo), maaaring hindi maging posible para sa aminna pahintuin sila sa patuloy na pagproseso rito. Idaragdag namin ang mgadetalye ng pagkontak sa iyo sa aming "Do Not Call" (Huwag Kontakin)na listahan, na nakaimbak at kasama ang mga proyektong kaugnay nito - ang mgadetalye tungkol sa iyo ay pananatilihin sa layuning ito sa loob ng 3 taon.

May karapatan kang i-access ang anumang personal data napinoproseso namin tungkol sa iyo. Maaari ka naming hilingan na patunayan angiyong pagkakakilanlan bago ka namin bigyan ng access sa kaugnay na personaldata.  May karapatan kang magtakda nglimitasyon sa pagproseso o paglilipat ng iyong data, kung applicable ito.

Gusto naming siguraduhin na ang iyong personal data ay wastoat updated.  Kung may nagbago sa anumangimpormasyong ibinigay mo sa amin (halimbawa, kung nagbago na ang email addressmo), mangyaring ipaalam ito sa amin. Ang aming Data Protection Officer ang unamong makokontak para sa alinman sa mga karapatang ito.

Kung hindi ka nasisiyahan sa paraan ng pagproseso namin saiyong personal data o may mga reklamo ka kaugnay ng pagprosesong iyon, maykarapatan kang hilingan ang Office of the Information Commissioner na suriinang sitwasyon.  Ang mga detalye tungkolsa iyong mga karapatan kaugnay ng iyong personal data, at kung paano makokontakang Office of the Information Commissioner, ay makikita sa kanilang website sawww.ico.org.uk.

 

Paano mo kami makokontak?

Maaari mo kaming kontakin gamit ang mga detalye ng pagkontakna inilaan sa imbitasyon ng proyekto o sa proyekto mismo.

Ang aming Data Protection Officer ay maaaring makontak saDPO@harrisx.com

Bilang alternatibo, maaari mong tingnan ang aming website saharrisx.com para sa mas maraming paraan para makontak kami.

 

 

 

 

Huling na-update noongAgosto 2024